Home » Post Item » Fuck the i.PH Pussy: Reinvigorated Rantings Yet Again After Ten Thousand Years of Friggin’ Se...
Fuck the i.PH Pussy: Reinvigorated Rantings Yet Again After Ten Thousand Years of Friggin’ Server Downtime
February 22, 2009
Pasintabi sa katatapos lang magsimba at ngumuya ng hostiya. Kelangan ko lang ilabas ang isang linggong pagngingitngit ko sa puke ng inang i.PH server downtime kuno na naganap nang di ko inaasahan.
Alam kong wala akong karapatang mag-angas-angasan sa nangyari dahil sa libre at hindi ako nangungupahan sa pagkukuta kong ito sa sangkablogosperyohan. Pero naman. Nagyabang pa kayong domain for individuals kung di niyo rin pala kayang panindigan at maya’t maya eh semplang ang mga servers niyo. Pinalampas ko na nga nung una ang pagpalya ng server niyo noon dahil nagtitimpi lang ako at dahil kako baka pinapabuti niyo pa ang pakikipagsabayan sa Wordpress at Blogspot. Yun pala, tulad ng pamosong linya ng isa sa mga malufeet na kanta ng Eraserheads, walang nagbago. Kaya nga hayaan niyo muna akong magmura nang mas malutong pa sa chicharong bulaklak ng magbabalot na ibinabad sa sukang paumbong at binabaran ng hiniwang siling labuyo para sa ekstrang anghang:
Putanginang server downtime ‘yan! Malutong na putangina to the nth level!
Ba’t ba kasi ako nagtitiyaga sa domain host na ‘to? Ilang beses na kong pinagsabihan pero ilang beses akong nagmatigas na ‘wag iwan ang kuta kong itong sinimulan kong itayo saktong dalawampu’t isang araw pagkatapos ng bertdey ko. Bakit? Let me count the ways…
Unang-una, astig na astig ang url — www.ssdd.i.ph. Hindi masyadong mahaba para maalala ng mga kabarkada kong walang hilig magbasa kung hindi rin lang porn ang laman at walang ginagawa sa harap ng kompyuter kundi kumuha ng masteral degree sa kursong Dota at Cabal, o magpakamanyak kakadownload ng Hentai. Pasadahan natin ule — ssdd.i.ph. Ang tindi di ba? Napakaikli at madaling makabisado. Saktong sakto pa sa mantrang gusto kong ipabatid. I breathe SSDD. I live SSDD. I am SSDD. ssdd (dot) i (dot) ph.
Ikalawa, hindi mahirap magnavigate sa control panel. Kumbaga sa cellphone, user friendly ang i.PH. May sidebar na naglalaman ng lahat ng kelangan mong gawin para i-pimp ang kuta mo. Gusto mo ng bading na bading na blog site, yung tipong Friendster profile na namumutiktik sa mga walang kakwenta-kwentang glitter texts at sparkling ekeks? Walang problema. May ready-made widget boxes at custom contents na pwede mong pagtambakan ng mga html codex chuvah na pinulot mo sa kung saan mang lupalop ng makamundong malawak na sapot. Gusto mo ng seryosong maangas na kutang simple at black screen-white text lang ang format (ahem!)? Okey lang. Tanggalin ang custom content at isalpak lang ang gustong isalpak. Kung tatanungin mo ‘ko sa ease of navigation, panalo ang i.PH.
Ikatlo, complete package ang features. Hindi lang basta pagda-diary ang labas ng post mo dahil pwede mo pa siyang lagyan ng picture, music, o video accompaniment. Kumbaga sa palabok, kumpletos rekados. Hindi ko pa nga lang napapasadahan ang video blogging at podcasting dahil tingin ko masyado pang maaga para makita at marinig ng sangkablogsperyohan ang maangas na pagmumuka at boses ni Lio Loco. Baka nga pag nangyari ‘yun, mas lalo pang dumami ang maligaw ng landas sa walang kwentang kutang ‘to. Lolz!
Isang mabilisang digression lang: Habang tinitipa ko ang mga titik ng blog post na ‘to, nakabalandra sa TV ang muka ng kras na kras kong si Sarah Geronimo para ipromote ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz. Pakyu kang John Lloyd Mongoloid ka! Hindi ka nababagay kay Sarah. Ako lang at wala nang iba pa ang pwedeng maging leading man ni Sarah sa kung ano mang pelikula. Humanda ka sa pagpasok ko sa showbiz. Malapit ka nang pulutin sa kangkungan. Cue Paquito Diaz evil laugh here.
San na nga ba ule tayo? Ayun. Ikaapat, mabait at maski papano eh maalam ang tech support nila. Ilang beses na rin akong nag-email sa kanila at nagtanong kung pano kalikutin at i-tweak ang mga default features (naks! may nalalaman pa talaga kong pa-tweak tweak ngayon!) nung mga panahong berdyin pa ko sa pagbo-blog at sa mga pagkakataong yun, mabilis silang nagrereply sa mga blog boplaks questions ko. Nitong huli lang, nabalitaan kong meron na rin pala silang live chat tech support at pag natyempuhan mo ngang online sila, maliliwanagan ora-orada ang nagugulumihan mong pag-uutak tungkol halimbawa sa kung ano ba ang widget, kung pwede ba itong isawsaw sa ketsup, at ano ang maaaring idulot nito sa pagkakamit ng world peace ng mga Miss Intergalactic Awter Ispeys Elyens 2009 candidates.
Ikalima, ang i.PH lang ang domain host na hindi pa (take note: hindi PA) naba-block ng taragis na IT naming walang ibang pinagkakaabalahan kundi mag-block nang mag-block ng mga social sites (kasama na si Mareng Wordpress at Pareng Blogspot) at magparaos sa mga pipitsuging porn flick sa Redtube at Iyottube kasama ang mga Manong Guard na hindi mo alam kung nagsasaydlayn ba bilang bouncer sa mga malalapit na night clubs sa Makati dahil sa laki ng mga katawan. At magpasahanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga makita ang logic sa makikitid na utak talabang kukote ng IT namin ba’t kelangang i-block ang mga sites na tulad ng Wordpress at Blogspot. Hay ewan.
Kaya nga makailang ulet man akong pagpayuhan na lisanin na at ilipat ang kuta ko sa ibang blogging domain host, hindi ko pa rin magawang iwanan na nang tuluyan ang i.PH lalung lalo na ngayon at napakarami nang katarantaduhan ang naisatitik ko rito. Maliban na lang siguro kung may mabuting loob diyan na magkakaloob ng libreng datkom at kukopkop sa mga angas at kabulastugan ko rito sa sangkablogosperyohan. Pramis: Kung sino ka mang Good Samaritan, makakaasa kang hindi kita malilimutan at araw-araw ang pagpaplug at pagsamba ko sa kabutihan mo sa pagkukuta ko pag nagkataon. Wahehehe!
Kung tutuusin, para sa isang domain host na nagmula sa isang Third World lansangan, hindi na masama ang i.PH. San ka pa makakakita ng ganitong domain host na nakikipagsabayan sa naglipanang higanteng domain hosting sites diyan at hindi naman nalalayo kung di lang siguro sa madalas na downtime at server lagging? (Isa pa pala ‘to sa mga reklamo ko sa i.PH. Kabagal ng mga servers. Nabuksan ko na’t lahat ang ibang url sa nahuling pagkakabukas na mga tabs, connecting to server pa rin ang drama ng blog site ko. Tsk tsk tsk!) Pero ganun talaga. Gaano man kaganda ang isang produkto, una’t una pa rin ang mga kapintasan sa mga mapapansin ng mga mamimili. Kumbaga sa maputing damit, gaano man kaputi ito, unang mapapasadahan ang mantsa maski na kasingliit lang ‘yun ng tuldok sa hulihan ng pangungusap na ‘to. Kumbaga sa mga puta ni Ferbert, gaano man kabango ang mga babae niyang ready-to-bembang sa harapan ng casa niya, hindi pa rin maikakatuwang bilasa na ang mga keps nila.
Anak ng teteng talaga! Ni hindi nga dapat ito ang topic ng blog post na ‘to. Marami nang nangyari sa buhay ko sa loob lang ng humigit-kumulang isang linggong pagka-semplang ng i.PH servers at ito sana dapat ang ibibida ko ngayon sa inyo. Kaso ang nangyari, yung intro eh naging full-length blog post na.
Pero mabuti na rin sigurong malaman ule ng i.PH na hindi na maganda ang ginagawa nilang pakikipag-taguan pong sa mga i.PH bloggers. Malamang sa malamang, hindi rin lang ako ang nagngingitngit sa mga nangyayaring ito ngayon (Hoy, Miss Kristina B (as in Bog-li…hehehe!), back up-an mo nga ko! Bilis!). Marami pa riyan ang umuusok na ang ilong at pumuputok ang butse sa kalokohang ito. Sana lang maayos na nga ang gusot na ‘to nang tuluyan at sana for good na ang lahat.
Ayun. Breathe in. Breathe out. Okey na ko. Bati na ule tayo i.PH. Pero pag naulet pa ‘to, itaga niyo ‘to sa mga pekpek at betlogs niyo bato, mapipilitan na ‘kong lumipat kay Mareng Wordpress o di kaya kay Pareng Blogspot at pag nagkaganun, mawawalan kayo ng isa sa mga rising porn istar blogging istars ng Pinoy Sangkablogosperyohan. Ika nga nila, third time’s the charm. But in your case, it’s more than appropriate to say third time’s the sign of how neurotically inutile and imbecile-spewingly lame your servers are. Behlat!
Sa mga nakamiss naman (meron nga ba? Lolz!) sa kaangasan ng super witty at cute na cute (*cough cough*) na si Lio Loco, pasensiya (maski hindi kayo biskwit) na sa semi-hiatus drama-dramahan ko. Sori kung hindi muna ko nagparamdam sa mga kuta niyo netong nakaraang mga araw. Hindi lang kayo ang may karapatang mag-inarte. Hehehe! Ang masasabi ko lang, abangan na lang ang susunod na mga kabanata. Breathing the SSDD Mantra is back and it’s back with an angst-ridden vengeance. If you can’t wait sa kagila-gilas na pakikipagsapalaran ni Lio Loco sa mga hinayupak na mga nilalang ng Third-world hell, sit tight and enjoy the ride. Stay tuned ’cause we’re back to regular programming!
Off-topic:
Tulad ng pinangako ko, ‘eto na ang 2.5 Hoaxes sa 25 Desultorily-Picked Facts Ekek ng nakaraang post ko: Super solid kwentong barbero ang Number 7 at 17 at half-truth naman ang Number 6. Wala akong ganung NDE nung bata pa ‘ko at oo, magbunyi ang mga nag-aabang sa matamis kong OO at malufeet na adam’s apol ko, wala pa po akong Lio Loco Junior. Pinangako ko kasing dapat mayaman na ‘ko bago ako magkaanak para hindi naman niya maranasan ang mga naranasan ko noon. Half-truth naman ang pagiging muntik-muntikang pagmamagna cum laude ko dahil hindi 0.76 ang kulang para ma-meet ko ang magna cut. 92.76 ang general average ko noon, 1.24 points shy away from the 94% minimum cut to be in the magna list. Kung iisipin, napaka-unfair dahil cum laude lang ako at para maging cum laude ka, okey na ang 88% average. Mantakin mo yun, nasayang lang ang 4.76 extra points ko! Tsk tsk tsk!
Ayun, nagkaalaman na! :p
Update:
Hanggaleng naman! Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni Miss Meowie Taylor aka Kuting aka kolgel-opismeyt na tinext siya ng i.PH pero isang araw matapos maisaere ang himutok ko sa puke ng inang server downtime, heto’t bigla-biglang nagcomment ang mismong product manager ng i.PH at nagpaliwanag sa aberyang nangyari sa i.PH server nitong mga nakaraang araw lamang.
Bigla naman daw akong nahiya run sa taytel ng blog post na ‘to. Lolz! Uulitin kong wala akong karapatang magreklamo dahil libre ang pangungupahan ko sa domain ng i.PH pero anu’t ano pa man, nararapat pa ring iparating ang mga di kanais-nais na nangyayari sa mga kinauukulan. Para sa detalyadong pagpapaliwanag ni Ginoong Wilmer Winston Suzara, Product Manager for DotPH Web Hosting and VAS, mangyari pong pakibasa na lang ang comments section ng blog post na ‘to. Yun na!
Isa pang Makulet na Off-topic:
Pwede mo nang wag basahin ‘to akshuli dahil alam kong napakahaba na ng post na ‘to at tinamad ka nang basahin pa ang nga panghuling talata. Pero kung wala ka rin lang namang magawa at nag-aantay ka lang ng delubyo sa pinagkakakutahan mo, gawin mo nang exercise ang pag-click sa link na to >>>>> para iboto ang isang walang kakwenta-kwentang nilalang na nominado raw para sa isang walang kakwenta-kwentang awards na ang premyo ay isang walang kakwenta-kwentang badge. Bwahahaha! Uy, Kosa, biro lang. Hehehe. Wag ka nang magreklamo. Libre plugging ka na nga rito eh.
So pano, mga kabagang, iclick ule ang link na to >>>>> para iboto si Super Gulaman, este Trip ni Kosa pala. Tandaan: F-I-T-A, Red! Okey? Alam kong mabigat sa kalooban niyo pero paminsan-minsan lang naman magrequest tong siraulong Pinoy blogger na ‘to kaya pagbigyan nio na. Ililibre niya raw tayo ng jerjer, este…cheese burger daw pag nanalo siya. Hehehe!
Previous Comments
Wahaha saktong sakto, nagloko din server ko kanina. Putang inang i.ph talaga yan. Dinadamayan na lang kita sa pagmura kahit hinde ko naman alam yang i.ph na yan.
Salamat pala sa pagdaan sa bahay ko!
Posted by kirksydney at February 22, 2009, 9:16 pmAt sakto naman first comment ko.. ang security code eh “finis”. Bwahahaha!
Posted by kirksydney at February 22, 2009, 9:17 pm@basti: honga parekoi eh. mabuti na lang talaga. kundi pasasabugin ko ang pinagkakakutahan ng i.PH. teka, san nga ba headquarters nila? lolz!
ahaha. at kinonek talaga sa angas ko nung nakaraang balemtayms o.
bukas, may datkom na ko? suntok sa buwan. lolz! at sino naman kaya magmamagandang loob na bigyan ako ng permanenteng kuta? hehehe.
sabihin mo sa asawa mo (at isama mo na rin mom at lola mo) maghanap na lang siya ng ibang pagkakrasan. sabihin mo ikaw na lang. wla namang alam yang si john lloyd mongoloid kundi magpa-cute nang magpa-cute. leche! halata bang bitter? hahaha!
@kirksydney: hahaha. nakikiputangina hindi naman pala kilala pinuputangina. abnormal ka naman kirksydney. hehehe. pero salamat sa pkikiramay.
ayun. lumantad na ko bilang stalker sa kuta niyo. ibig sabihin niyan full-time tagasubaybay nio na tlaga ko. hehehe.
ayun pala ung security code. kala ko naman natatawa ka lang dahil tunog “penis”. hehehe. :p
ahihihihihi
wish ko lang eh mabasa ng i.ph ang mga hinaing mo para naman hindi ka na mahirapan sa pagpapakadalubhasa sa larangan ng blogging… at nang lagi kaming may mabasang fresh na fresh ditetch sa iyong tahanan..kahit na nacuculture shock ako sa blog mo hahahaha joke lang…
nways, ayun nga… napadaan lang ulet..babalik ulit para halukayin ang laman ng baul mo… hehehe
ciao!
Posted by YanaH at February 23, 2009, 3:45 am@yanah: balak ko ngang ilagay to sa forums ng i.ph para naman magising sila sa katotohanan. lolz! on second thot, baka mapatalsik ako nang tuluyan sa libreng pagkukuta ko rito. yaan na lang muna natin makipagmarathon ang mga i.PH servers sa servers ni Mareng Wordpress at Pareng Blogspot. lolz!
teka lang, ba't ka naman nacuculture shock sa walang kwentang kuta ko? dahil ba sa isa kang ow-ep-dobolyu at nasanay ka na sa buhangin ng midddle east? hmm…sa middle east ka nga ba? lolz! sorry. di ko alam. hehehe.
salamat po sa pagdaan miss yanah. balik lang nang balik hangga't may mahahalukay pa. hehehe.
yngatz lage!
musta naman..Ã sori naman daw sabi ng i.ph.. ndi daw nila cnasadya ung ngyari…. babawi na lang daw cla sa u next time..Ã in fairness na miss q ng bongga yung kagilagilalas na iyong pakikipagsapalaran.. kaya kung lilipat ka na sa ibang blog site pls do inform us…Ã ayaw namen ni sikipsikipan ma miss ka ng sobra sobra…Ã taking care….
Posted by kuting at February 23, 2009, 7:50 am@kuting: ayun o. okey naman ako. salamat sa pagtatanong.
at kelan ka pa naging spokesperson ng i.PH? naks! dahil sa pagkamiss mo sa kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ko, lab na kita miss meowie taylor. hehehe. namiss ko rin ang pakikipagkulitan sa'yo at kay sikipsikipan.
hindi pa naman kasi nagkakarun ng delubyo sa i.PH kaya di pa ko lilipat sa ngayon. sa ngayon being the operative word. hahaha! yaan mo, pag lumipat na ko ng kuta, sasabihin ko para di nio ko mamiss nang sobra-sobra. hehehe.
taking care.
p.s. antok na antok na ko. pacenxa kung walang kakwenta kwenta ang mga pinagsasabi ko. nassabi ko na bang 2am to 11pm na shift namin ngayon? waaah! kaya pacenxa kung tulog-mantika na ang kukote ko.
haaay…kakamiss talaga ang morning shift. pero impernes, mas mejo nakakahinga naman ako nang maluwag ngayon. mejo mahaba-haba ang avail at may night diff pa. un nga lang, pumupungay-pungay na ang singkitin kong mata at si customer, pinapa-powercycle ko na ang network adapter at pinapadisable ang ethernet cord. lolz! tuliro na talaga ko. gudlak naman sa csat! hahaha!
Kumusta SSDD? Badtrip talaga ano? Pasensha ka na ha. Di talaga inaasahan ‘tong hardware problem na naranasan namin nitong mga nakaraang araw. Sa katotohanan lang, mabilis naman namin naayos ang problema. Pero dahil gusto namin makasiguro na ligtas ang mga impormasyon na nasa mga blog ninyo, minabuti namin na magkaroon ng back-up ang mga server namin. At gusto man namin na madaliin ang proseso, hindi ito maaaring mangyari sapagkat ang pinaguusapan natin dito ay daan-daang gigabytes. Sa kabutihang palad, naging maayos naman ang lahat at naibalik ang serbisyo ng walang gaanong problema. Salamat sa iyong pagtitiis kaibigan. Muli, ako at kaming mga bahagi ng i.ph team ay humihingi ng paumanhin sa anumang istorbong naidulot nitong problemang ito. Makakaasa ka na magiging higit na mahusay ang serbisyo namin sa mga tulad mong patuloy na tumatangkilik sa aming produkto at serbisyo. Mabuhay ka SSDD.
palit tau ng shift….. 7am-4pm aq c sikipsikipan 8am-5pm..Ã ayoq ng pang umaga.. bet q pang gabi…. puro aq long kol, tapos di pa maganda yung csat q tsaka qa q.. kumusta naman aq di ba…mahihiya ang mga bagsak qng grades… eniwei, yaan mo na malilipat ka din sa morning shift.. at darating din yung tym na magiging pang gabi ulet aq…. magiging ganap na ulit aqng kolgirl.. ng text sa kin yung i.ph at humihingi cla ng sori sau… kaya aun cnabi q lang sa u…Ã close kame eh…Ã
Posted by kuting at February 23, 2009, 11:22 amhttp://www.youtube.com/watch?v=xXmPFJqTHKo
because i value you
ihahanda na namin ang red carpet at graffiti para sa paglipat mo ng wordpress..nyahaha
parang premiere night lang.
Posted by flamindevil at February 23, 2009, 3:49 pm@wits: ang galeng naman! hindi ko alam kung pano nio ko natunton pero ayos na rin at nakarating din sa kinauukulan ang reklamo ng wlang kwentang kutang ‘to. salamat ng marami sa mabilisang tugon pero uulitin ko, hindi na maganda ang paulit-ulit na lang na server downtime. sayang naman ang kalidad ng i.PH kung ang lagi na lang babalandra samin eh ung mga downsides na hindi mahirap makita ng i.PH bloggers. gusto ko ang i.PH. obyus bang magtitiis ako sa mga downtimes nio kung hindi ko gusto ang domain host nio? i hope this is the start of traversing the blogoshere path for the better. i have to admit you kick ass but if this server downtime keeps rearing its ugly head every now and then, then by gawd you’re only as good as the deep organic fertilizer that comes out of it. cheers i.PH! here’s to hoping a far better and more amiable relationship with you guys!
@kuting: hahaha. honga eh. panay long call din ako nung morning shift. tas hindi ka pa makahinga sa sobrang queueing. lolz! pero gusto ko pa rin kasi isa akong normal na nilalang sa mga ganung pagkakataon. hehehe. pwede akong gumimik sa gabi o makipag-inuman sa mga tambay sa kanto. lolz!
makakabawi ka rin sa metrics. hehehe. tip lang: pag good call ka, sabihin mo sa customer bago mag-end ung call, “btw, sir/ma’am, please do try to check your email later. i’ll be sending you some email FAQs and tutorials such as what we did so you could learn more about your (state the issue).” epektib yan sakin. hehehe. namumutiktik ako ngaun sa mga kuwatro at singko sa csat. lolz! yabang eh no?
uuy, seryoso ka bang nagtext i.PH sau? nagcomment na nga si wits na product manager pala ng dotPH. hehehe. ayun. i gave him my piece of mind. lolz!
@tinay: so what do yo think of me, a flaccid penis? by gawd, i'd like to think of myself as a superior, intellectual phallus! hahaha.
oist, putol ung link. hindi ko alam kung bakit. kalahati lang ung napanood ko. pero impernes, nakakaaliw ung utak kagaguhan ni lev. eto ba ung kras mo sa makamundong malawak na sapot? pasadahan natin mga videos nia pag kelangan kong tigasan. lolz! jokeness.
@flamindevil: oh yeah. hehehe. pero wag muna ngayon. i’m giving i.PH the benefit of the doubt. A for ey-fort nga sila sakin ngaun dahil napagtiyagaan nila kong halughugin sa mundo ng sangkablogosperyohan para lang mag-sorry at magpaliwanag. hehehe. ayos di ba?
at bigla naman daw akong nahiya sa tirada ng post title ko. ahahaha! pero totoo naman kayang nakakabadtrip. so i’m not taking it back!
hahahaha, xempre ndi noh..kalokohan q lang lahat un…Ü ay naq… sobrang nanganganib na ang stats q.. i can’t afford to lose dis job. lam mo yan sayang ang offer nila sa ken…Ü try q yang tip mo sa ken.. so pag may nadaanan kang bay at narinig mo yung spiel mo lam mo na kung cno yun..Ü sana nga maka2long un ng bongga…Ü salamat ng buong giliw…Ü
Posted by trixcril at February 23, 2009, 9:03 pmweee…u’re back..medyo nainis din ako sa downtime ninyo…hindi naman kakyutan ung pusang nag-eentertain samin dito..
tas, akala ko magiging bonggang bongga na ang page nyo matapos ang isang dekadang maintenance chuhu ng i.ph..
ganito pa rin…walang ipinagbago, mura ka pa rin ng mura..
i miss u papa lio loco…
pakiss nga..
***mwaaahhh…
at tsaka ayan..pabaon..
***powerhug!!!!
Posted by vanvan at February 23, 2009, 9:13 pm@trixcril: at ano na ang nangyari sa katauhan mong si kuting? trixcril ba ang tunay mong pangalan? ang hirap ipronounce. nabubuyoy ako. lolz!
hindi ba? hmmm…eh panong natunton ng i.PH ang pnagkakakutahan ko kung ganun? hehehe. oh well, at least the message has already come across. hehehe.
hahaha. hokei. aabangan ko ang agent na may ganiang spiel sa floor. hehehe.
walang anuman giliw ko. uuy…kinikilig xa. hehehe.
@vanvan: weee…i'm back! lahat ata nainis nung nawala ako sa sangkablogsperyohan. hehehe. ang feeling ko namn. lolz!
hahaha. honga eh. mas maige siguro kung si puss in boots na lang ung ginamit nila. o just plain pussy na lang, para mabawasan naman init ng ulo ko (sa baba). wehehehe. jokeness. baka ma-mtrcb. lolz!
hehehe.kasama na sa diet ko ang pagmumura. pagpacenxahan mo na lang.
i miss u din vanvan dyosa. uuy…isa pa 'tong kinikilig. hehehe.
at may pakiss-kiss at powerhug ka nang nalalaman ngayon ah. hanep! lumelevel up! hahaha. dahil diyan, tanggapin mo ang mainit kong mwahugz!
wow.. ang lupit mo.. pinansin ng kinauukulan ang protesta at reklamo mo? hahahaha ako din nung nasa i.ph pa ako dito ako nainis kaya lumipat ako…
hehehe… pangalawa, kapag lumipat ka, sa blogspot nalang baka kase mainis ka na nman sa wordpress.. galing na din ako dun..pero dahil sobragkumplikado ang buhay dun(mas oks pa ang i.ph) eh minabuti kong magkuta permanently sa blogspot..hehehe
pangatlo, baka nman gusto mong magdonate ako ng sarili mong domain..lols (wala nga akong sariling domain.lols–eh ayaw ko ng sariling domain eh sayang lang) ikaw, astig ka kase.. hindi sayang ang domain.
pang apat, taena..*buntong hininga* sige sige kitakits nalang nga baka kung anu pa masabi ko
panghuli, salamat nga pala sa kampanya..lols
astig na astig..hehehe sana ikampanya mo na din ako sa iba pang kakosa mo..lols
@kosa: una…hehehe. iba na ang sikat. rising porn star kasi. lolz! at nasa i.ph ka pala rati? akalin mo yun. eh di sana magkakuta tayo pag nagkataon.
ikalawa…sige. pag di ako inaalagaan ng i.PH dito, lipat na lang akong blogspot. hahaha. demanding eh no?
ikatlo…pwede ring bigyan mo ko ng domain kung talagang galante ka. sasambahin kita araw-araw, gabi-gabi. pagtitimpla kita ng gatas. ipaghehele kita. at ang pinakamalufeet pa, pupunasan ko pwet mo kapagka nagpoopoo ka sa salawal. wahahaha!
ikaapat… *buntung hininga times two* hindi ko magets anf pagbuntung-hininga mo.
ikalima…walang anuman. may bayad un. dahil sawa na ko sa cheese burger, bibigyan mo ko ng babaeng canadian na pwedeng makajerjer. lolz! okey payn. imamachine gun ko na mga iba kong kabagang para manalo ka sa damuhan watever mo. lolz!
…waaaa…ano beh..kilig ka dyan..
nyak nyak nyak..
nakaget over ka na sa failed love mo noh…ang dami mo ng fans dito oh..
i like that mwaahugz ha, in fairness…
pero wag mo kong sanayin sa ganito baka hanap hanapin ko..
waaa…feeling sarah..
Posted by vanvan at February 24, 2009, 8:58 amemail addresss q un, sori naman, sa di maipaliwanag na dahilan d q alam kung bakit un ung lumabas don..Ü ndi un ang name q, mas kumplikado pa don yung name q..Ü at xempre kinilg aq ng bonggang bongga…Ü iritado aq bago q naligaw dito sa site mo dahil uber queueing dahil down na naman sa la… bwict talaga… eniwei as i’m typing this comment, ndi na q badtrip..Ü salamt namn sa pagpapakilig mo..Ü
Posted by kuting at February 24, 2009, 5:22 pm@vanvan: asus! pa-nyak nyak nyak ka pa jan. deep inside, kinikilig na ang tumbong mo. hahaha!
mejo mejo. hindi pa totally recuperated but we’re getting there…moving forward. lolz! showbiz na showbiz!
weh. sinong sarah yan? sarah balabagan? wehehehe. dahil diyan, isa pang mwahugz para masanay ka na. hakhak!
@kuting: ayun. natuliro ka lang siguro nang bonggang bongga kaya nailagay mo e-addy mo. hakhak!
hehehe. sabi ko naman sau, asahan mo nang hindi ka hihinga sa morning shift sa sobrang kyuwing. lolz! ano pa bang bago? araw-araw namang may problema sa la. wehehehe…
mabuti naman at nakatulong ang walang kwentang kutang ‘to sa hindi mo na pagkabadtrip. walang anuman giliw ko. uuy…kinikilig ule xa. parang tumbong ni vanvan. ahahaha! jokeness. ![]()
p.s. blocked na pala ang walang kwentang kutang ‘to sa floor. lecheng mga IT. makikita nila. lintik lang ang walang ganti. ngeyoarrr!
natatwa ako sayo kasi nasingit mo pa rin yung “cum laude” ka sa post mo… lipat ka na ng wordpress… mas okay inavigate at mas sosyal mabagal buksan ang site ng iph e
Posted by mangbadoy at February 25, 2009, 10:47 amNice post Amazing, I found your site on Bing looking around for something completely unrelated and I really enjoyed your site. I will stop by again to read some more posts.
Posted by abercrombie uk at June 14, 2011, 1:17 pmlike the subtle wind. In spring, it steals a kiss on my cheek; in autumn, it caresses my face; in summer, it brings in cool sweet smell; in winter, it carries a crisp chilliness…
Posted by Vibram Five Fingers at June 28, 2011, 12:02 pmCheap Moncler jackets sale
Sale womens moncler
Discount womens moncler
Discount Moncler online store
Cheap Moncler Kids jackets
Discount moncler uk sale
Discount moncler usa sale
sale Cheap moncler outlet
Discount mens moncler jackets
Cheap moncler jackets on sale
Buy buy moncler jackets
Discount moncler coats outlet
Cheap black moncler jackets
womens coats and jackets on sale
Canada Goose Parka
Moncler Bags
Moncler Bath Towels
Moncler Boots
Moncler Girl Jackets
Moncler hat/neckcloth
Moncler Kids Jackets
Moncler Men’s Jackets
Moncler Men’s Sweater
Moncler Mens Shoes
Moncler Spring & Autumn
Moncler Vest
Moncler Women’s Coats
Moncler Women’s Jackets
Moncler Women’s Sweater
Moncler Womens Hoody
A light and flexible outsole along with a suede cheap uggs bootsheel guard provides durable wear all season long.The Classic Cardy is a heathered ugg boots cheapmerino wool blend boot made to look like your favorite sweater. Three wooden buttons etched with the signature UGG? logo allow this boot to be one of our most versatile styles.the Women’s UGG cheap ugg boots ukClassic Cardy is the footwear equivalent of your coziest cardigan sweater.This style can be style up Ralph Lauren Outletand button with the three big buttons in the boots.With these buttons,it can be cuffed all the way over or wear all the way up
Posted by cheap ugg boots uk at September 8, 2011, 5:31 pmWith at ease and cozy feeling, purchase your do it yourself a pair of UGG Classic Short Chestnut Boots, you will get satisfaction moncler outlet from the style winter UGG Classic Short Chestnut Boots sale. moncler onlineprecision craftsmanship is evident within your short UGG reinforced heel and raw seams. numerous people want to fit on short UGG generally because short UGG are designed of best excellent substance sheepskin cheap moncler coatswhich could retain your ft dry,warm and at ease in winter.
Posted by moncler outlet at September 21, 2011, 9:27 amAt present, the twojeremy scott shoes sides of tangled key or related income into, holt said theadidas jeremy scott management will not agree to less than 50% of thejeremy scott wings divided into, the latest labor requirements is 52.5%. Billy hunter says, adidas wings shoes“we have again again 3 made a compromise and compromise, adidas js wings shoesbut is not enough. No way. We have been fighting long enough, we do too big sacrifice have achieved today’s situation.”
Posted by zhouhaijie at October 21, 2011, 5:59 pmHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 25, 2011, 7:24 pmI was very pleased to find this site.I wanted to thank you for this great read!!
Posted by Coach Factory Outlet at December 9, 2011, 5:08 pmThe collection offers a new take on the classic hobo style, with each piece having its own unique little twist.
Posted by Coach Outlet Store Online at December 15, 2011, 11:10 amThe article is good, I enjoyed reading it keep the good work.
Posted by Coach Online Outlet at December 29, 2011, 11:21 am






buti nalang up na ulit hosting mo bro, mukhang minalas ka lang talaga for the past week, cguro dahil sa inis mo sa balentayms.
di bale, malay mo bukas lang may dot com ka na at di ka na maxado makaranas ng downtime, pero 99.9% uptime lang tlga walang nag 100% kahit sa self hosted sites.
ahaha natawa ako don sa mongoloid, kras pa naman ng asawa ko yun, panay panood ng teleserye silang dalawa ng mom ko, isama mo pa ang lola ko.
Posted by Basti at February 22, 2009, 8:38 pm