Home » Post Item » Hey Jay: Seatmate Number 8, PVP Bus Liner CVX-231
Hey Jay: Seatmate Number 8, PVP Bus Liner CVX-231
February 4, 2009
Naknampucha naman! Sa dinami-dami ng mauupuan, sa akin ka pa tumabi. Hindi mo ba alam na allergic ako sa tao? Hindi ka ba marunong makiramdam at nagsumiksik ka pa rin sa two-seater chosen kuta ko sa loob ng de-aircong bus na ‘to? Umismid na nga ako, di ba? Ikinangkang nang mas masahol pa sa obtuse triangle ang mga hita ko para makahinga nang maluwag ang betlogs at pototoy ko hindi ka na makahirit pa. Inilapag ang bag kong wala namang laman kundi ang libro ni Neil Gaiman (pero ewan ko kung ba’t ko laging dala-dala) sa tabi ko para ala nang makihati sa pagjo-joy to the world ng tumbong ko sa upuang ‘to. Kaso, ang kulit talaga ng lahi mo eh.
Pwede ka namang umupo sa may kanang upuang good for three balugas. Makisingit ka na kasi kay Mang Badoy Baboy na nanlilimahid sa pawis at nagmamantika ang buong katawan. Mag-isa pa lang naman siya diyan. Pwede pa ang one and a half inhumanoid tulad mo. Wag kang mag-alala. Hindi nakakahawa ang nangingitim na libag sa batok niya. Konting kulada lang yun sa Tide, puputim ule yan. At sa itsura mong yan, muka ngang ikaw pa ang manghahawa ng kabanguhan sa kaniya.
Ayaw mo? O eh di sa may harapan na lang natin. Si Miss Spinster Kulafoo lang namang hula ko eh wala pang foreign object na nag-invade sa kaniyang…ahem…private property ang makakasabayan mong magdasal nang walang kamatayang Ave Maria nang isang oras. Kunswelo mo nang mag-prayer rally kasama siya maski na malamang sa malamang eh trapik ang langet sa mga alang kakwenta-kwentang mga usal niyo ng Holy Dairy Merry-Go-Round.
Sa 6.7 bilyong nilalang ba naman sa mundong ito na humihingi ng house and lot, 1 million pesos, at bonggang bonggang Toyota Innova (sumali kasi sa Wowowee…tsk tsk!); humihiling na mapasagot ang kanilang iniirog dahil malapit na ang Balemtayms at napaka-emo namang magluksa, magsuot ng black at maging dateless sa February 14 (*cough cough*); at ang napakaraming nananalanging magkaroon ng biyak para makatikim ng pototoy dahil insecure sila sa sarili nilang pototoy, ewan ko lang kundi magkandabuhul-buhol ang prayer-receiving lane ng Heaven na tulad ng hinayupak na trapik sa Taft Avenue tuwing hapon. Kaya sabayan mo na si Miss Spinster Kulafoo sa pagbibilog ng rosary beads at wag mo na kong istorbohin dito. Kung kulang kayo ng bibilugin, idagdag mo na ‘tong kulangot kong nangingitim dahil sa air pollution ng Maynila.
Ayaw mo pa rin? Eh kung upakan na lang kaya kita? Pero isa kong peace-loving citizen of the Pilipins at naniniwala akong hindi dapat dinadaan sa dahas ang di pagkakaunawaan. Okey payn. Etching lang. Dahil mas lamang ang katawan mo sa’kin ng isang paligo at dahil hindi pa masyadong lumalaki ang mga maskels ko sa kakabuhat ng dumbbells, pinapaubaya ko muna sa’yo ang aking yummy-licious na katawan. Lolz! Pwede ka nang maupo sa tabi ko basta wag na wag mo lang bubulabugin ang peace and inner zen shit ko, okay? Mainit ang ulo ko, sa taas at baba. Kaya wag ka nang umepal pa.
Badtrip ako sa pagpapakaputa ngayon dahil napakarami na namang mga istupidong Amerikanong walang ginawa kundi umatungal sa hindi nila pagkakaroon ng Internet connection. Mga Ingleserong matatawag pero dinaig pa ang mga karabaw Inglis ni Manny Pacquaio Bentong sa kainutilan. Dito talaga ako nabibilib nang sobra-sobra sa ‘ting mga Pinoy eh. Madiskarte. Kapag tayo ang nawalan ng Internet, hangga’t maaari eh nireresolve nating hindi umaasa sa iba. Dahil wala tayong bilib sa tech suport ng mga oh-so-suppeeeeeeerr slow net koneks ng Globe, Bayantel, at Smart Bro, tayo na mismo ang nagiging tech support. Mas matalino tayo. Mas may kakayanan. Mas madiskarte. At uulitin ko, wala tayong bilib sa iba kundi sa sarili lang natin. Heck, ano ba ang lamang ng mga English-accent pipol na yan? Wala naman bukod sa mas madulas ang dila nila at mas mahaba ng two inches ang mga pototoy. Bukod pa run, ala na silang pwedeng ipagmalaki pa.
Ang karamihan sa mga hinayupak na Kanong ‘to, diyos kong mahabagin, laging spoon-feeding ang hanap. Kulang na lang punasan ang mga pakingshet na tumbong after mag-jebs dahil sa sobrang katamaran. Kaya nga nauso ang caregiver sa Tate. Siyempre meron ding mangilang-ngilang Ispokening Dollar Customer na masarap pakitunguhan, yung mga tipong napakalambing ng boses sa telepono at nagtetenkyu talaga ng sinsero dahil natulungan mo sila. Yung mga tipong makikiliti ang bulbol mo dahil sa sobrang sweet at kung pwede lang kunin ang cellphone number para i-unlimited text overseas eh gagawin mo. Pero ‘eto yung mga sad to say eh exception to the rule. In general, mga hinayupak ang mga akala mo kung sinong Blonde Bopol na nakakausap namin sa araw-araw:
Lio Loco: Thank you for calling (pangalan ni ISP), my name is Lio. How may I help you today?
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: (pasigaw, galet) I can’t connect to the Internet!!! I’ve been paying a lot of money to your company!!! You guys get my money so quick and then you give me this lousy service….
Lio Loco: (nakamute) Putangina mo! Mamatay ka nang matanda ka. Dakdak ka nang dakdak pano kita matutulungan? (Isa pang napakalutong na…) Putangina mo!
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: …I’ve not been able to connect a thousand times now and…
Lio Loco: (nakamute pa rin) Pakshet ka! Sinungaling ka pa. Anong thousand times ka diyan? Eh kitang kita namang connected ka kahapon. Putangina mong exaggerated ka!
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: …today I’m not connected again! If I still can’t connect today, I’m going to cancel my service with you guys ’cause you guys are so lousy and your service sucks and…
Lio Loco: (nakamute pa rin) Putangina mo! Eh di i-cancel mong gago ka. Para mabawasan na calls na pumapasok.
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: …if only I could transfer to another Internet Service Provider, I defintely would!!!
Lio Loco: I do apologize for the incovenience sir but don’t worry, I can definitely assist you with…
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: Oh cut the crap!!! Just go ahead and connect me to the Internet!!!
Lio Loco: (nakamute ule) Putangina mo! Ang yabang mong putangina mong gago ka!
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: Hello?!!! Hello!!! Are you still there?!!!
Lio Loco: (irita) Yes sir. Have you already checked the lights on your modem?
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: What do you mean modem?!!!
Lio Loco: That would be the small box with all those lights on it sir. The small box we sent you. (nag-mute ule) Bobo!
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: Oh, that one. There’s no light in it at all.
Lio Loco: Sir, can you check if the power cord’s connected to a power outlet?
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: Which one’s the power cord?
Lio Loco: That’s the black one sir. (mute) Ang bobo mo talagang A-hole ka!
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: Okay, hold on. (Kinalikot ang modem. After ten thousand years, bumalik sa linya) I think it’s already working. Yeah, it’s already working.
Lio Loco: (sarkastiko) Okay. So basically, we just had to make sure the power cord’s properly connected then, right?
Ishtupid Ishpokening Dollar Customer: (tameme, bumaba na ang beses) Right. Thank you.
Lio Loco: (mute) Tangina mong gago ka! Patenkyu-tenku ka ngayon! Istupid! (unmute) You’re welcome sir. Again, this is Lio. Thank you for choosing (pangalan ng ISP), we value you as a customer!
O, nawili ka na sa callboy snippet ko? Sabi ko naman sa’yo wag kang makulet di ba? Eh bat lingon ka pa rin nang lingon diyan? May dumi ba sa muka ko? Papatulan na talaga kita eh. Pinaupo na nga kita di ba? Nagkukunwari ka pang tumitingin sa salamin eh huling huli namang tinititigan mo ko. Wag ka naman kasing ganiyan. Nako-konsyus tuloy ako. Narsisistiko akong tao at lumalandi ako kapagka may pumapansin sa’kin. Nag-idlip-idlipan na nga ako para mawala ka na sa paningin ko pero ba’t hindi ka pa rin mapakali sa kinauupuan mo? Kinakagat ba ng panty-liner na suot mo ang tumbong mo? O naupuan mo lang yung dildong may freebie pang pilik-mata ng kambing na bagong bili mo sa Quiapo? At bakit sa dinami-dami naman ng pwedeng pagbalingan ng pansin, sa nakaumbok na bahagi pa ng maong ko ang napagdesisyunan mong bigyan ng pokus? Anak ng teteng naman o. Pasalamat ka pababa na ko. Kung hindi, ibabalandra ko nang bonggang bongga ang laman nito sa muka mo para matigil ka na.
At sa susunod, kung gusto mong tikman ang adam’s apol ko, magsasabi ka ha. Hindi yang taas-baba na lang yang adam’s apol mo sa paglunok-lunok. Ipapakagat ko naman sa’yo ‘to kung magpapaalam ka nang maayos.
Off-topic:
At sa wakas, mababasa ko na rin ang matagal ko nang hinahanap na novel ni J.D. Salinger. Nitong nakaraang araw lang, binigyan ako ni Rai ng kopya ng The Catcher in the Rye (Rai=blogger friend-slash-teammate; Rye=ubod ng lufeeet novel…go figure! Lol!). Si Rai ang isa sa mga ka-wavelength ko sa pagpapakaputa sa Makati at kelan lang eh nalaman kong madalas kaming magkonek sa maraming bagay. Lage akong pinapaiyak ng pambihirang babaeng ‘to sa mga post niya. Etching lang. Lolz! Pero totoo, madrama ang mga post niyang madalas tungkol sa pag-ibig at wagas na pagmamahalan at gustung-gusto kong basahin ang mga ‘yon lalo na ngayon dahil nakakarelate ako (*sniff sniff*).
Panibagong backlog na naman. Pero dahil adeek ako kay J.D. Salinger, malamang sa malamang, mas mauuna ‘to sa listahan ng mga backlogs na kelangang tapusin. Heto ang dedication niya sa front page ng libro:
Dear Intensity,
Enjoy the read. Hope you don’t turn out to be one of those psychotic killers.
Messy
Nakita niyo naman ang pangamba niyang baka maging isa akong mamamatay-tao balang araw. Hakhak! Akshuli, aydol ko si Dexter Morgan at oo, nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Kaya hnidi nga malayong maging bonggang-bonggang serial killer ako sa hinaharap. Mantakin mo: super genius, ex-callboy, sobrang cute future CPA topnotcher serial-killer? Ang lufeeet! Babala: Mag-ingat sa blogger na ‘to. Lolz!
Previous Comments
ewan ko lang ha pero ay hab a feeling na bonggang bongga na sana one day mawitness ko na simbilis ng lips mo yung utak mo haha. ano kaya kakalabasan nun? labas-masok, labas-masok? hahaha. hoy in all fairness sa iyo adma’s apol, naaaliw ako sa posts mo at binabasa ko talaga kahit na alam ko na puno ng pagmumura.haha. tatak lio***
wow, sikat na talaga ang adam’s apol mo..
wahaha..
hindi ko pa xa masyadong nabasa so base nalang muna..
balik nalang ako upang pagtiyagaan basahin ito..
ano pa bang magagawa ko, eh lab kita ng bonggang bongga..
Posted by vanvan at February 4, 2009, 10:17 pm@kevin: hahaha. knew you’d go gaga over catcher in the rye, you salinger boy. just read the first few chapters and i have a feeling this caulfield holden is me fictionalized. we’ll see. haha. nagbakasyon si english ispokening dollar lio loco ng isang buwan kaya ala munang nosebleed english ngaun. mas asteeg ba? marami ngnag nagsasabi. pero meron ding iba na mas gusto ang pag-eenglish ni lio loco. ewan lang. again, we’ll see. lolz! sabi ko naman di ba, tayong mga pinoy mas pipiliing kalikutin ang isang bagay kesa maghanap ng iba para ayusin un. congrats sa pagkaayos mo sa modem mo. isa ka nang certified tech support agent tulad ko. hahaha.
Posted by ssdd at February 5, 2009, 5:37 am@tinay: ewan ko rin lang pero feeling ko ring bonggang bongga matatameme ako kung sakaling magkita tau nang personal. saka lang ako magiging bibo pag mejo inebriated na. lumalabas ang super saiyan powers ko kapagka nasesenglot ako eh. lolz! at kelangan talaga lagi kang may R18 figure of speech ano? labas-masok. hahaha. salamat sa pagsabing naaaliw kita. ngaun pwede na 'kong maging sertipayd kolboy na gumigiling nang hubo't hubad sa harapan ng mga bakla't matrona. hakhak!
@vanvan: honga eh. ba’t ba lagi na lang adam’s apol napapansin ng mga tao askin? mas cute namang di hamak at kapansin-pansin ang aking…ahem…ulo. bwahahaha! basahin mo na kasi nang buo para mas lalo ka pang mainlab sakin nang bonggang-bongga. hakhak!
taena.. astig as always..lols
comento sa komento:
nasa sayo pa rin pareko kung pipiliin mong magtagalog o mag-english..lols
ito lang ang masasabi ko, kung pangkabuhayan ang hanap mo, mag-ingles ka..pero kung hilig lang.. tagalog nalang.. mas-ASTIG NGA!
sabagay kung english ang gagamitin mo, pwede kang maging couterpart ni badudz.. pinoy sya.. spokening dollars ka naman..hehehe
peace
haha.callboy ka rin pala. ang kulit ng conversation.salamat sa mute button. yeah, i agree. we are better than these effing a**holes!
Posted by flamindevil at February 7, 2009, 11:05 am@kosa.Pogi: ampotah! at may nalalaman ka na ngaung kosa.Pogi? dati kosa’t asok ka lang ah? lolz! ayan ka naman sa mga boladas mo. don’t stress the obvious. wag ulit-uliting asteeg si lio loco. baka manigas ang pototoy ko nang di oras niyan. lolz! ang masasabi ko lang…hindi ko rin alam kung mag-eenglish pa nga ako sa mga post ko. taena. bahala na. basta sa ngaun, isang buwan muna kong magpapakaputa sa ating sariling wika. hehehe.
Posted by ssdd at February 7, 2009, 4:31 pm@flamindevil: yep. but not for long. magrerebyu na kasi ako para maging isang CPA. kulit ba? marami pa sa hinaharap. abangan ang susunod na kabanata. lolz! you hit the nail there, parekoi. we are effin’ better than these a-holes, indeed!
Posted by ssdd at February 7, 2009, 4:33 pmang talino mo naman… i thought pag magaling ka sa math bobo ka sa english or the other way around… bihira lang ako nakakilala na magaling sa parehong subject na yun.. i ENVY people like you… hahaha! thanks for dropping by sa ebahay ni badoy… balik ka pa at mukang natuwa ako sa blogsite mo.. daan ulit ako!
Posted by mangbadoy at February 7, 2009, 10:36 pmhaha, oh baka naman sumabog ka jan, galit na galit ah.. hahaha.. relax lang
@mangbadoy: that's generally speaking. but there are always cases of exception. and that just happens to be me. magaling sa math at malupet din sa english. lolz! mapapadaan po nang maraming beses sa kuta niyo mang badoy. mabuti nga't naligaw ako nun eh. btw, inadd ko na pala kayo sa blogroll ko. usually, di ko pinapaalam dahil ayokong mapagkamalang nakikipag-ex link ekek. ang prinsipyo ko kasi, kung gusto kang i-add ng isang blogger, ung kusa dapat. ung tipong nagustuhan niya sinusulat mo kaya ka niya in-add. hindi yung ilalagay lang sa blog list dahil nakipag-ex link lang sau. ayan. napahaba na tuloi diskusyon ko. hinala ko isa na namang post-in-the-making to. lolz!
Posted by ssdd at February 8, 2009, 9:12 pm@walongbote: hindi naman maxado. sanay na ko sa mga ganiyang klase ng nilalang. sabi ko nga, allergic ako sa mga tao. so don’t worry. it’s not with them. it’s just me. lolz!
Posted by ssdd at February 8, 2009, 9:14 pmYou are still what you were, while I have learnd how to keep distance.
Posted by juicy couture outlet at December 21, 2010, 11:15 am*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by jordan shoes at December 29, 2010, 9:15 amI was awaiting for such an artice and I have gained some useful information from this site. Thanks for sharing this information.pelican cases
Posted by star09 at January 27, 2011, 4:07 pmI was awaiting for such an artice and I have gained some useful information from this site. Thanks for sharing this information.rocky boots
Posted by star09 at January 28, 2011, 1:38 pmNice post Amazing, I found your site on Bing looking around for something completely unrelated and I really enjoyed your site. I will stop by again to read some more posts.
Posted by abercrombie uk at June 14, 2011, 1:22 pmCheap Moncler jackets sale
Sale womens moncler
Discount womens moncler
Discount Moncler online store
Cheap Moncler Kids jackets
Discount moncler uk sale
Discount moncler usa sale
sale Cheap moncler outlet
Discount mens moncler jackets
Cheap moncler jackets on sale
Buy buy moncler jackets
Discount moncler coats outlet
Cheap black moncler jackets
womens coats and jackets on sale
Canada Goose Parka
Moncler Bags
Moncler Bath Towels
Moncler Boots
Moncler Girl Jackets
Moncler hat/neckcloth
Moncler Kids Jackets
Moncler Men’s Jackets
Moncler Men’s Sweater
Moncler Mens Shoes
Moncler Spring & Autumn
Moncler Vest
Moncler Women’s Coats
Moncler Women’s Jackets
Moncler Women’s Sweater
Moncler Womens Hoody
But, overall, the middle contract such problem solving to cancel stopped working and not too big role. And the worst part is, no matter the divide between the two sides DuoDa, want to be able to sit down and negotiations, there is talk of a hope. But at present, even the next negotiation both sides all not know to want what time, no matter what it is a horrible news.
js teddy bear shoes
adidas js big tongue
adidas originals hardland
JS 3 tongue shoes
js wing adilette sandal
js wings ballerina
men’s js wings shoes
women js wing shoes
adidas shoes for women for 2011
adidas obyo jeremy scott bear shopping
adidas obyo jeremy scott js hoodie
adidas obyo jeremy scott js wings
adidas obyo jeremy scott js wings gid
adidas jeremy scott panda bear shoes mens
jeremy scott mickey mouse
cheap north face continues to lead its category with athletically inspired fits, the latest technical developments and the most comfortable, high-performance fabrics. This season’s north face outletline is no exception. An all-new line of north face sale will be some gear and the north face outletclothing items you’ll want to see.
Posted by north face outlet at November 2, 2011, 1:56 pmHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 25, 2011, 6:53 pmI was very pleased to find this site.I wanted to thank you for this great read!!
Posted by Coach Factory Outlet at December 9, 2011, 4:49 pmThe collection offers a new take on the classic hobo style, Coach Outlet Store Online with each piece having its own unique little twist.
Posted by Coach Outlet Store Online at December 15, 2011, 10:39 am






OMG SALINGER SALINGER SALINGGGGERRR. Haha.
Nakakadepress ang librong yan pero MUST READ pa rin. Basta ba wag mong dibdibin ang sinasabi ni Holden.
Akala ko naligaw ako ng blog.
Pero mas astig kapag tagalog ang blog mo. Ang lalim nung english eh.
Kadalasan din natatanggal yung power cord sa modem ko, pero nung una nagtangka rin akong tumawag for assistance kaso kinalikot ko muna ang mga wirings. Naayos ko naman.
Posted by Kevin at February 4, 2009, 9:58 pm