Home » Post Item » The Narcissistic, Angst-ridden Bastard’s English-Speak Goes in Hiatus For a Month-Long Asylum...
The Narcissistic, Angst-ridden Bastard’s English-Speak Goes in Hiatus For a Month-Long Asylum Rehabilitation
February 2, 2009
Naloko na. Dumami ang hits nang di sinasadya dahil sa nakaraang post ko. Sa katunayan, pumalo nang bonggang bongga ang pagsasatitik ko sa pagkahumaling sa KANIYA at biglang umakyat sa ikatlong pinakabinasa ang nakaraang blog post ko sa kasaysayan ng kagila-gilalas at namumukod-tanging walang kwentang blog na ‘to. Marami ang nagbigay ng kanilang singkong duling na payo at iisa lang ang sentimiyento ng lahat — isa na nga akong certified adeek na kailangang ipadala sa pinakamalapit na asylum. Nakakataba naman ng pototoy puso. Hayaan niyo, susundin ko ang payo niyo. Bukas na bukas din ipaparehab ko na ang sarili ko sa Mandaluyong.
Hindi ko alam kung dahil ito sa pagka-amnesia ko sa identidad kong fuck-me-Freddy spokening dollar at paggamit ng wikang Tagalog for a change o talagang likas lang na sucker ang mga Pinoy sa mga porn movies sappy lab istori. Dahil diyan, pinapaaga ko ang selebrasyon ng Buwan ng Wika at susubukan kong mag-post ngayong buwan sa dayalektong nakagisnan. At papano na si fuck-me-Freddy Lio Locong namumutiktik sa nosebleed na Ingles? Magbabakasyon muna siya ng isang buwan dahil sukang suka na siya sa araw-araw na pakikipagbatuhan sa wikang Ingles sa mga bopol na Kanong walang ginawa sa buhay kundi umatungal nang umatungal kapagka nawalan ng Internet connection. Wag mag-alala. Kung namimiss niyo ang mga malulutong na murang Kano ni Lio Loco, maaari kayong mag-request at sulatan siya sa email address niya: ssdd@i.ph. Rereplyan niya agad yung mga mensaheng may smiley sa dulo at may kasamang mwahugs I miss you to the nth power.
At yaman din lang na sukahan pala ang topic dito (asteeg ba ang segue way? hakhak!), gusto kong ipamalita na pumasok ako kanina sa pagkaputang trabahong bangag at may hang-over sa nilaklak na Fundador at San Miguel Beer. Bertdey ng tatay-tatayan ko kagabi at hindi pwedeng hindi ako uminom maski na kelangan kong gumising ng alas-kuwatro ng madaling-araw dahil may pasok pa ‘ko ng alas-sais kinaumagahan.. Libre ang alak, umaapaw at siksik-liglig. Natural, kelangang pasairin sa bituka at baka maging tubig pa. May motto ako sa buhay na kapag ang palay ibinigay sa’yo ng kusa, kelangang bayuhin. Bahala ka nang mag-isip kung ano ang ibig kong pakahulugan.
Maige na rin sigurong nagpakalasing ako kagabi dahil sa kasalukuyan kong kalagayang napakahirap balewalain. Nanliligaw at umaasang makakamit ko rin ang matamis NIYAng oo pero hindi ko alam, mukang palabo nang palabo ang kahihinatnan ng lahat. Mas nagiging peligroso ang tinatatahak kong love path (at may nalalaman pa talaga kong love path…lol!). Padilim nang padilim. Patarik nang patarik. Cue nosebleed Tagalog adjective here.
Eto na ang panibagong update sa kabanata ng buhay pag-ibig ni Lio Loco: Kagabi lang eh swak na swak ang timing ko sa pagdalaw sa KANIYA dahil hindi SIYA nag-OT at hindi rin SIYA gumimik kasama ang barkada NIYA. Salamat po Panginoong Mahabagin. Kung ganito nang ganito ang mga binabalato Niyo po sakin, babawasan ko po ang kasalanan ko at pipilitin ko pong pigilan ang paghuhumindig ng aking you-know-what sa tuwing natatabi ako sa mga seksing chick sa dyip. Ilalayo ko po ang sarili ko sa tukso at pipilitin ko pong wag mag-isip ng kung anu-anong posisyon sa loob ng sasakyan bukod sa pagkakasalampak ko sa harapan. Amen!
Hindi ko alam kung matutuwa ba ‘ko talaga sa pagkakaron ko sa wakas ng pagkakataon para tumaktiks sa KANIYA o kelangan kong magluksa sa nalaman kong balita galing sa KANIYA. Eto marahil ang sinasabi nilang bitter-sweet. Bitter sapagkat nalaman kong mas mapapaikli pa lalo ang panahong maaari ko SIYAng bisitahin. Sweet dahil nagkaroon kami, maski papano, ng bonding moment. At oo, hindi ko ikakailang kiniliti pati buhok sa tumbong ko sa mga pangyayari kagabi sa parehong dahilang nanlumo ako sa sinabi NIYA.
Kelan lang eh pinabatid na NIYA sa bisor NIYA ang pagreresign sa trabaho at malamang sa malamang, hanggang ngayong buwan na lang ang paglalagi NIYA rito sa Maynila. Tinanggihan na NIYA ang offer sa KANIYAng lateral transfer sa probinsiya dahil sa March pa epektibo ang paglipat pag nagkataon. Nasabi NIYA saking gusto na NIYAng lumuwas dahil iyon daw ang gusto ng mommy NIYA. Tinanong ko kung iyon din ba ang gusto NIYA. Mas maige raw kung magkakasama na silang magkapamilya.
Pakshet! Tagos na tagos! Nabilaukan ako sa pizzang dinala ko at hindi ko alam kung hanggang doon na lang ba ang lahat. Subukan mong maglaslas nang million, million times tas patakan mo ng kalamansi. Mas mahapdi pa run naramdaman ko sa mga oras na yun. Sa probinsiya, hindi ko na siya makikita. Hindi naman kasi ako filthy rich na sa sobrang yaman eh makakaya kong pumaroo’t parito na parang naglalakad lang sa kahabaan ng España. Take note na sa mga panahong iyon, ala na ko sa pagpapakaputa sa Makati. Wala na kong sahod at isa na kong palamunin ng utol ko, nagrereview para sa CPA Board Exam. Pwede pa siguro ang tawag sa Sun Cellular. Eh ang kaso, sasagutin ba NIYA ang mga pangungulit ko? Buntung-hininga. Buntung-hininga times two.
Ayokong panghinaan ng loob dahil alam kong kapagka sumuko pa ko ngayon, wala na. Hindi na mauulit ang pagkakataong ito at malamang sa malamang eh hindi na talaga magiging kami pa sa hinaharap. Eto na ang last chance ko. If I fail this time, patay na. Papatulan ko na ang mga babaeng nalilink sakin nang bonggang bongga, hindi ko man sila mahal at gusto ko lang silang anakan. Kaya nga ayokong sumuko maski na napaka-slim na ng chances ko para mapasagot ko SIYA. Tulad ng mantra ng paborito kong PBA team, never say die. I therefore conclude, to be or not to be.
Dahil gumagabi na at kailangan pa NIYAng mag-beauty rest, umuwi na rin ako pagkatapos ng konting chitchat. Masayang malungkot akong lulan ng dyip kaya mas ganado ang pag-tungga sa bertdey alak ng tatay-tatayan ko. Masaya sa bahay. Kelangan kong maki-ayon sa mood at magsuot ng maskarang patawa. May konting handaan at napakaraming yabang mula sa kupal na utol ni Tatay. Hindi ko na iisa-isahin. Ang post na ‘to ay para sa pagdadalamhati, para sa napipintong pagluluksa. Wala munang pagpuna sa mga hinayupak na nilalang na gustung-gusto kong tirising parang pulgas ng aso.Wala munang mga epal. Pasensiya, pessimist na talaga ko ever since. Bali-baliktarin mo man ang mundo, half-empty pa rin ang shot glass na kalahati ang lamang alak para sakin.
Sa ikalawang pagkakataon, uminom ako ng hard nang wala man lang chaser. Mapait. Humahagod sa bituka. Sakto. Para naman maski papano eh malapatan ng pait ng alak ang ibang klaseng pait na kumikitil sa ulirat ko. Laklak lang ng laklak maski na bangenge na sa dami ng alak na sumaid sa lalamunan. Kaya ako late ng 30 minutes kanina at pumasok nang mas masahol pa sa pokpok na ginang-rape ng pinagsama-samang kumpol ng tao sa inauguration ni Obama. Haha! At ipinasok pa talaga ang current events para kunwaring updated sa showbiz happenings. Pero totoo, para ‘kong buntis na naglilihing maya’t maya eh di mo malaman kung duduwal ba o hindi. At oo, pihadong basag na naman pagmumuka ko sa team leader namin. Bumaba na nga metrics ko, apektado pa pati pagpasok ko.Tsk tsk tsk.
Haay, ang hirap talaga mainlab. Nawawala ka sa sarili mo. Natutuliro. Nagiging emo. Umu-OA. Nagmumukang tanga to the nth level. Pakshet na buhay ‘to, oo.
Somebody get me a bottle of gin. I need to drown this agony of bitter intoxication. At umepal pa talaga ‘tong spokening dollar sayd ko. Bakasyon na nga sabi eh.
Previous Comments
ahahaha. buhul-buhol ba broder? taena pala yang bulbol mo eh. i-trim mo kasi. lolz! okwi lang yung maghintay ako hanggang sa magunaw na ang mundo. eh ang kaso, pano kung sinambit na NIYA ang salitang ayaw na ayaw ko sanang marinig sa KANIYA? wag naman po. haaay…at malufeeeet at mabangis talaga ko no? hahaha. hnidi ako sa telus nagpapakakolboy. atin atin lang to, wag ipagkakalat dahil bawal sabihin pero sasabihin ko pa rin. ina nila! wehehehe. kasalukuyan akong nagpapakaputa sa time warner cable, ung isp ng mga hebigating artista sa hollywood. nakausap ko na akshuli minsan si jennifer lopez. pakshet! boses pa lang, sarap nang bembangin. lolz!
Posted by ssdd at February 3, 2009, 5:33 ampasasaan ba at magbubunga rin iyang busilak mong pag-ibig..
wag mo naman kasing ipressure masyado ang iyong self sa mga lablab na yan..
baka mapressure rin si kupido at di kana talaga handogan ng soulmate ngaung valentines..
ang pag-ibig ay hindi hinahanap..kusa iyang dumarating..
wag na putok butsi mo..
bata kapa naman..gwapo pa adam’s apol mo,sabi nila..
chill!
Posted by vanvan at February 3, 2009, 10:46 ampasasaan bat magbubunga rin iyang busilak mong pag-ibig..
ganyan talaga ang pag-ibig friend, magical..
dumaan din ako sa ganyan..hahaha..ibang level man, same pain..
wag mo naman kasing icareer masayado iyan..bata ka pa naman..gwapo pa..???
aws..
basta, panapanahon lang iyan..
♥♥♥
Posted by vanvan at February 3, 2009, 6:56 pmi made a comment using ie..hindi ko alam kung napost iyon kasi lokoloko ang ie..
kung dalawang comment man na me parehong thought ang napost ko dito..
spare me and my stupidity..
@vanvan: adeek sa comment. lolz! sige na. tatanggapin ko na ang palusot mong topakin ang ie maski na sa totoo lang, lab mo lang talaga ko nang bonggang bongga. lolz! at may gwapo comment pa talaga eh no? inuunahan na kita. hindi ako gwapo. cute lang. hakhak! salamat sa pag-alo sa puso ko.
Posted by ssdd at February 4, 2009, 5:42 am@vanvan: dahil jan, mahal na kita nang bonggang bongga! lolz! whatever times two!
Posted by ssdd at February 4, 2009, 10:16 pmmagpakamatay ka nga lang..ahahaha…sama mo ako…ako ang accompice mo…
eh kung sana nag text ka sakin sinamahan kita sa pag bath tub sa mga inumin mo! may tatay tatayan ka rin pala naman eh..pareho tayu…lets go sago!
mas mabuti nga magtagalog ka nalang…nafefeel ko pa ang essence…kung english kasi sumasabog ang appedicitis ko..lols
Posted by Maldito at February 6, 2009, 4:55 pm@maldito: gago ka talagang maldito ka. gusto mo pa talga kong matuluyan no? ulol! mahal ko ang titi ko, at marami pang mapapaligaya nito. kaya hindi muna ko maghahara-kiti. lolz!
eh pano naman kita itetext eh di ko naman alam number mo. at ang layo mong siraulo ka. kulang ang pamasahe ko papunta jan. oo. simula nang iwan kami ng intsik na daddy kong walang balls, naging tatay-tatayan ko na ang tatay ng fren. meron ka rin? gaya-gaya ka talaga. tsk tsk! hehehe.
ayan ka na naman. lahat na lang kayo gusto akong managalog. papano naman ang mga nosebleed english ko? lolz! papanong di sasabog eh kung saan saan ka lumalaklak! harhar!
Posted by ssdd at February 7, 2009, 5:39 pmNice post Amazing, I found your site on Bing looking around for something completely unrelated and I really enjoyed your site. I will stop by again to read some more posts.
Posted by abercrombie uk at June 14, 2011, 1:24 pmA true friend is forever a friend.They are with friends — the people with whom we often share our deepest thoughts.
Posted by Vibram at June 28, 2011, 12:03 pmCheap Moncler jackets sale
Sale womens moncler
Discount womens moncler
Discount Moncler online store
Cheap Moncler Kids jackets
Discount moncler uk sale
Discount moncler usa sale
sale Cheap moncler outlet
Discount mens moncler jackets
Cheap moncler jackets on sale
Buy buy moncler jackets
Discount moncler coats outlet
Cheap black moncler jackets
womens coats and jackets on sale
Canada Goose Parka
Moncler Bags
Moncler Bath Towels
Moncler Boots
Moncler Girl Jackets
Moncler hat/neckcloth
Moncler Kids Jackets
Moncler Men’s Jackets
Moncler Men’s Sweater
Moncler Mens Shoes
Moncler Spring & Autumn
Moncler Vest
Moncler Women’s Coats
Moncler Women’s Jackets
Moncler Women’s Sweater
Moncler Womens Hoody
With at ease and cozy feeling, purchase your do it yourself a pair of UGG Classic Short Chestnut Boots, you will get satisfaction moncler outlet from the style winter UGG Classic Short Chestnut Boots sale. moncler onlineprecision craftsmanship is evident within your short UGG reinforced heel and raw seams. numerous people want to fit on short UGG generally because short UGG are designed of best excellent substance sheepskin cheap moncler coatswhich could retain your ft dry,warm and at ease in winter.
Posted by moncler outlet at September 21, 2011, 9:28 amAt present, the twojeremy scott shoes sides of tangled key or related income into, holt said theadidas jeremy scott management will not agree to less than 50% of thejeremy scott wings divided into, the latest labor requirements is 52.5%. Billy hunter says, adidas wings shoes“we have again again 3 made a compromise and compromise, adidas js wings shoesbut is not enough. No way. We have been fighting long enough, we do too big sacrifice have achieved today’s situation.”
Posted by zhouhaijie at October 21, 2011, 6:38 pmHey there, I was looking through some blogs and I saw your site from yahoo. I read a couple of your posts and think they were nicely written. Thanks, I will try to stop by your webpage soon.
Posted by Coach Outlet Online at November 25, 2011, 7:54 pmI was very pleased to find this site.I wanted to thank you for this great read!!
Posted by Coach Factory Outlet at December 9, 2011, 5:39 pm






teka, hindi ko alam kung saan ko ipo-focus yung epal ko ahhh… buhol buhol na parang bulbuol kase yung kwento mo pero napaka-detalyado yung pagkakakwento mo.. hanggaling…
sige sa napipintung LDR kungsakali..lols bago magkaroon ng ganun pasagutin mo muna sya.. kapag napasagot mo na sya ayus sa olrayt na yun… atleast kahit nasa kanayunan na sya eh may pinanghahawakan ka pa rin at hindi mo na kailangang pumadyan at pumaroon.. kaya mo yun! taena sa lufeeeet at bangis mong yan..? hehehe peace!
sa tigasing inumin(hard), taena buti kinakaya mo yun? hahaha sa atin kaseng mga lampayatot, kapag di dinamit ang kukote sa pakikitagay ng mga ganyang klaseng inumin eh talagang masasapian ka ng wala sa oras.. at take note, hindi basta basta natatanggal yan.. inaabot ka ng syam syam..hehehe
teka, saan ka ba nagtatrabaho? baka nman nakabase sa TELUS yung mga nagkakaproblema sa internet na yan? kapag nagkataon baka nakausap na kita ‘rantado ka…hehee peace!
ang pagmamahal eh, isa sa pinaka-exciting na bahagi ng buhay..pero sabi ng ni doraemon, KUNG TALAGANG NAGMAMAHAL KA, MAGHIHINTAY KA KAHIT GAANO PA KATAGAL…yung kahit na mapudpud na yung bayag mo eh, hintay ka pa rin ng hintay…hyehehe
Posted by kosa at February 3, 2009, 2:36 am